Sunday, April 26, 2009

Trip trip lang!

Guess what, bakit kaya 'yan napili 'kong title sa blog ko today? ^__^

Wala lang, TRIP TRIP LANG.

It was very nice and overwhelming to be a friend of this certain person. He's cute, friendly, approachable, down-to-earth and very fun-to-be-with. Some may say "ano bang nagustuhan mo diyan?" sa totoo lang, hindi ko din alam. I just felt it.

At first, when I saw him personally, it was like "I LOVE YOU NA!" hahahaha! Funny but true. He became my addiction. Parang, hindi pwedeng hindi ko siya makausap ng isang beses sa isang araw kasi malulungkot ako. Sakanya nakatuon lahat ng atensyon 'ko *my friends know all about this effin' topic I'm talking about, this is a true story.*

I love him. That's all I know that time, it was months of getting in touch with him kahit minsan busy siya mangungulit pa din ako. ^__^

NAGING KAMI.

It was a dream come true? LOL.
Basta, super masaya ako nung araw na 'yon. SUPER. To the highest level. Ang AKALA ko, magiging ok ang lahat kahit na malayo siya at may trabaho siyang pinaprioritize. I became so UNDERSTANDING na kahit hindi siya magtext ok lang sakin kasi super tiwala ako sakanya. Yun pala mali ako dun.

*sigh*
Until now? Hindi ko pa din alam kung maniniwala ba ko sakanya or what, or sa isang taong 'YON ako maniniwala. Lemme tell you this part of this so-called "LOVE STORY" para sa'kin ito yung climax. Ako yung bida dito huh? Hahahaha! :)

My phone rings, it was 7 in the morning.
Natutulog pa 'ko.


me: hello? o bakit ka tumawag?
him: tumawag ako... para sabihin sa'yo na... itigil na natin 'to...
me: *silence*
him: bata ka pa eh... *hindi ko na matandaan yung mga sumunod pang sinabi niya kasi it was like, nabagsakan ako ng kung anu mang mabigat na bagay na hindi ako makapagsalita.*

Binaba niya na.

'Yun ang THE BEST na GOODMORNING di ba? pambungad. hahahaha!
wala man lang pakemekeme, parang "hello! I'm gonna kill you!" tapos ang sagot ko "okey! I'm ready!"
kung kayo kaya yung nasa kalagayan ko that time, anung mararamdaman niyo? SARAP!

Hindi pa diyan nagtatapos ang lahat, nagtext pa 'ko sakanya ng "can we still be friends?" -- hindi yan yung exact na text ko sakanya, nalimutan ko na, hindi na dapat alalahanin pa. Tapos, walang reply. Iniwan ko isa 'kong cp *smart* sa kwarto, pumunta ako sa kabilang bahay, naupo, nagsoundtrip. Mga 1 hour, ganun lang ako. Naiiyak ako, gusto ko umiyak pero parang after shock pa din ako. Ayaw lumabas. After magsawa sa sounds, nagPC para medyo makalimot, naglaro-laro ng online games, nagcheck ng FS, multiply, facebook, etc.

Nag-YM ako.
NagPM siya. Nagsosorry. Hindi daw niya sinasadya yun.
So ako, parang WOW HA! HINDI SINASADYA?

*hindi ko alam na nagreply na pala siya sa text ko, iniwan ko nga kasi 'yung cp ko nun sa kwarto ko sa kabilang bahay."

Nag-usap kami. Medyo NAGING OKEY. O di ba, haha! Naging ok pa sa lagay na 'yun. ^__^

OO NA GUYS, TANGA NA KUNG TANGA, hahahaha! :)

Bakit 'ko shineshare 'to ngayon? Kasi napanaginipan ko siya, I dunno why. Actually, kagigising ko lang, wala pang toothbrush-toothbrush, hilamos, pagmulat ng mata 'ko, nag-automatic direcho sa PC, nagtype.

Siguro sa makakabasa nito, tatanungin niyo 'ko kung galit ako sakanya?

HINDI.

Parang hindi ko kaya magalit saknya ee, oo nung una GALIT na GALIT.
Ngayon? Narealize ko lang na KARMA ko siya, pagkatapos ng mga nagawa 'ko nun dati sa boys. Siguro siya nga 'yung karma ko. KARMA, parang plurk. WAHAHAHA! :D

Ay! May nalimutan pa pala akong part, nung nagtext sa'kin X girlfriend niya for how many years, nalimutan ko na din. ^__^

Nung nagtext yung girl na yun, ewan ko ba yung kamay ko super nanlamig. Pinahawak ko pa nga sa stepmom ko ee. Sabi "anu bang nangyayari sa'yo?" Tumawa lang ako.

Basta summarization ng text namin, tigilan ko na daw X niya, sabi ko naman "titigilan ko lang siya kapag KAYO NA ULIT, kayo na ba?" Hindi naman niya sinagot nung nagtanong ako ng ganun.

January 3, 2009.
I gave up.

Tinest ko kasi siya, hindi ako nagtext or paramdam sakanya, siguro mag 3 days yun. Madalas kasi ako una nagtetext sakanya ee. Wala din naman paramdam sakanya, hindi ko na alam kung kami pa. Nagtext siya, nabasa niya shoutout ko sa FS. Nalimutan ko nadin kung ano yun. Ayun, nagkausap pa kami konti. Sabi ko nalang masaya na 'ko sa pagiging single ko.

Sabi niya "SORRY" sa mga nangyari.
Pinatawad ko siya.
Tulungan ko daw siya makalimutan X niya. Eh di mahal niya pa nga, sabi niya dati hindi na.
I understand. Siguro ganun talaga siya magmahal ee. Sorry nalang sakin.

Naging panakip lang ako panandalian. ^__^

Sorry sabi niya? Is that enough? Sana naman kahit papano pinaramdam niyang BABAWI siya sa mga nagawa niya, sabi niya babawi siya. Pero bawi niya 3 days na hindi pagpaparamdam.

Bitter ba ko guys? Hahahaha!
Hindi aa, minahal ko lang talaga siya. ^__^

Message 'ko sakanya?
STAY HAPPY!
I know you're happy
with your chocolate hershey. -- WOW RHYME! hahahaha! :)

Serious na.
Alam ko naman masaya ka, busy ka.
Alagaan mo lang sarili mo, kumain sa oras hindi yung kung ano-ano inuuna sa umaga.
Concern citizen lang. ^__^
Ingat ka palagi. *wink!

- THE END -



"Nauntog na ko, masaya na 'ko sa lovelife ko ngayon at ibang-iba siya sa iba."

No comments:

Post a Comment