Sabit sa jeep?
Sabit sa raket?
Sabit sa isa ng relasyon.
Marami tayong pwedeng "sabitan."
Nakakatawang isipin na gumagawa ako ng blog para sa mga kabet, sabit.
"Bato bato sa langit, tamaan, sapul!"
Siguro, mas magandang sa huli ko 'to ilagay?
^__^
Ano naman kayang kinalaman ko dito at bakit ako nagtatype ngayon para makagawa ng isang blog na tumutukoy sa mga taong SABIT.
Marahil, pamilyar naman tayo ngayon sa mga pamilyang "sira" o "broken family" at isang malaking dahilan ang KABET para masira ang isang pamilya.
Bakit kaya ganun? Nasisikmura nilang mahalin ang taong pagmamamay-ari na ng iba? Hindi ba nila naisip na kapag sakanila ginawa yun, masakit?
Pero sa totoo lang, hindi 'yang topic na yan ang gusto ko talakayin. :)
Kayong mga babaeng tulad ko, narasanan niyo na bang MADALAS ma-involve sa mga relasyon ng mga may karelasyon?
Ako? MADALAS.
Hindi ko nga maisip bakit ganun? Kaka-break ko lang sa boyfriend ko pero napakadaming temptation ang patuloy na dumadating sa'kin. Partida pa, nasa bahay lang ako. Hahahaha! Hay nako Graceth "PENELOPE" Villamar De La Cruz.
God, anu po bang gusto ninyong ipahiwatig sa'kin?
Sa isang text ng kaibigan ko:
"Magpasalamat ka nga at madaming nakaka-appreciate sa'yo kahit ba sabihin nating maaari kang makagulo sa relasyon nila. Pero isipin mo maigi, pwedeng isa kang instrumento ni God para sa mga taong HINDI MAKUNTENTO sa kung anong meron sila at kailangan mong ipamuka sa kanila na MALI SILA. At kung hindi ka pa nakakatagpo ng taong TUNAY mong mamahalin at tunay kang mamahalin, hello? BATA KA PA. Madami pang darating na mas BETTER diyan sa TAONG hindi mo makalimot-limutan. Payong kaibigan lang, hindi sermon. :)"
Nakakatawa no? Tumpak na tumpak sa tumpak. Hahahaha! I love you for saying that my friend. Thank you.
Sana lang pumasok sa utak ko 'yan, dahil MADAMI nang sumubok para pangaralan ako, pero WALA. Walang epekto. ^__^
Matigas daw ulo ko.
NGAYON, nasa isang mahirap at komplikadong palaisipan ako.
"I can't leave him so soon but I can't even stay with him any longer."
Anu bang gagawin ko?
Gusto niya daw ako pero may gf siya, at kaibigan pa siya ng isa kong EX.
Sabi niya, "kaya mo ba akong ipaglaban?" Madami daw kasing hindi magiging pabor sa'min kapag nagkataon.
Natawa ako at napaisip: "paano kita ipaglalaban, kung hanggang ngayon hindi mo parin sinusuko ang kailangan mo nang isuko. paano magsisimula ng bago, kung hanggang ngayon wala ka pang natatapos at nagagawa sa mga dapat mong gawin?"
Wala ka pang napapatunayan.
Baka nga kapareho KA lang din niya ee.
Pwede bang lumayo ka nalang kung isa ka lang din sa mga magpapadagdag ng EX ko?
HAHAHAHAHAHA!
SAKIT MO SA BANGS!
^__^
Ikaw, oo ikaw! Hindi na ba niya 'ko pwedeng mahalin porke magkaibigan kayo at EX mo ko?
EX = PAST di ba?
Madami akong nalalaman at nababalitaan na ALAM kong totoo, may pruweba, pero wala kang narinig mula sa'kin kahit EX kita, kasi nga EX kita hindi na kita pwedeng pakielaman. Ikaw nga, wala kang pake sa mararamdaman ko kahit alam mong masasaktan ako sa mga PINAGGAGAGAWA mo. Tatahimik-tahimik lang ako pero kilala mo ko, MADAMI AKONG ALAM sayo.
Sana lang, pumili ka naman ng babaeng hindi "isang kalabit" lang.
GROW UP!
Hindi ka na bata.
- The End -
^__^
Ooooops! Ang magreact, alam na. :)
Facebook Badge
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment