Sunday, June 21, 2009

It’s a girl thing!

It’s a girl thing!

Inspired by Roadfill

Dahil walang magawa, gagawa nalang ako ng blog. ^__^

Ano nga ba ang mga bagay-bagay na hindi alam ng boys sa mga girls?

Lemme cite some examples or mga naoobserbahan kong hindi alam ng boys samin na kailangan nilang malaman. OR alam naman nila talaga, nagtatanga-tangahan lang na kunwari hindi alam. Hihihi! :D



Kahit sabihin naming “Ok lang.” at the back of our mind it means “No.”
Halimbawa, nagpapaalam si boy kay girl na mag-iinuman or may pupuntahan na alam naming may mga chikabeybs, sasabihin namin “OK LANG” kahit labag sa loob namin. Siyempre, ayaw naman namin kayong masakal or pagbawalan sa mga bagay na nagagawa niyo na naman dati pa. Siguro, for me isama niyo nalang kami para walang away o selosan na maganap. HAHAHA! Am I right girls? Kasi kung hindi manlang kayo nag-offer na sumama kami, kung anu-ano na maiisip namin nun for sure. ^__^


Para kaming mga PULIS, naghahanap parin ng ebidensya kahit na alam naming may “something” na nga talaga.
That’s right! Lalo na kapag mahal na mahal namin yung guy, kahit na bestfriend pa namin nagsabi na “boyfriend mo nakita ko sa mall, may ka-holding hands na babae!” or kahit nanay o tatay pa namin magsabi niyan, hindi kami maniniwala hangga’t hindi kami ang nakakita o nakasaksi. Minsan nga, kahit kami na mismo nakakita ayaw pa din namin paniwalain sarili namin na niloloko na kami ng damuhong mga lalakeng yan! *Ooops! Tamaan ‘wag magalit!” Haha!


Delusion of INFIDELITY.
Isang sakit, na meron ako. Hahahaha!


Delusional jealousy (or delusion of infidelity): A person with this delusion falsely believes that his or her spouse or lover is having an affair. This delusion stems from pathological jealousy and the person often gathers "evidence" and confronts the spouse about the nonexistent affair. – WIKIPEDIA.



Siguro, may mga guys na nagtataka bakit kaya andami nang XYZ ni girl. Hindi dahil masyadong flirt or what sila. Hindi naman sa dinedepensahan ko sila guys huh? Ayan o WIKIPEDIA na nga naglathala ee. Haha! May mga girls lang kasi talaga na “walang tiwala” o “hirap magtiwala” sa boys. Inaamin ko din naman na nasa amin ang problema sa ganyang bagay. Sabi nga ng professor namin sa BESC last week (sakanya ko nalaman yang delusion delusion na yan) na may mga girls daw talaga na ganun, hindi TUMATAGAL sa isang relasyon dahil nagiging paranoid or parang PLAYING safe, takot masaktan, takot maloko o matapakan ang pride. Outcome? Makikipagbreak. Wala pang 1 month break na. Saka hindi lang naman girls ang meron nito, boys din kaya! xD Karamihan nga lang e girls.



May mga girls na ayaw pinapakielaman the way sila manamit or kumilos, may mga girls din naman na gustong-gusto na pati yata underwear ee pakikielaman ng boyfriend nila.
Parang mag-asawa na in short. Mga kaibigan ko ganyan, gusto nila pinapakielaman sila kahit sa ayos lang ng buhok, caring daw ang boyfriend or may pake kapag ganun. Ako? Ewan ko ba, ayaw ko kasi ng ganun. Haha! Weird. Lagi kong pansopla kapag may boyfriend ako tapos pupunahin soot ko or buhok: “Love me for what I am by Carpenters” hahaha! Madalas kasi manang ako magsuot, pants + blouse or t-shirt lang. Kahit iba kong friends sasabihin lalagyan ko pa ng leggings yung dress na soot ko. xD


Pinakagusto naming gift? Couples’ ring.
Of course, as a girl parang panget naman yata tignan kung kami pa bibili ng sing-sing. May mga friends ako na gusto talaga na bigyan sila ng ring ng boyfriend nila kaso siyempre ayaw naman nila magdemand or mag-open sa boy ng ganun, wala ng SWEETNESS or KILIG MOMENT kung ganon di ba. I agree din naman, ako kasi three times na nabigyan kaya wala na atang kilig moment sakin yun, wahahahaha! Oo na ako na mayabang! =)) Pero seriously, kahit ako super kilig kaya kapag binigyan ako ng taong mahal na mahal ko ng sing-sing, para kasing it’s just a proof that “he’s mine, only mine” hahaha! CHEESY! AMP! Lagi nga kong napagkakamalang may bf (kahit wala naman) dahil lagi ‘kong soot yung ring na bigay sakin ng suitor ko 4 years ago, yeah 14 palang ako may manliligaw na ko nuh, hahaha! 3 years din yata yun nanligaw sakin, pero xempre bata pa ko nun kaya wala lang sakin, ngayon-ngayon ko lang narealize lahat-lahat. We’re still friends up to now, at parang kami kapag nagkakasama/nagkikita. He’s my bhebhe, nag-iisa lang. Kahit may gf na siya ngayon, I just want him to be happy. Ayoko naman pasakitin ulo niya kapag ako gf niya. Hahaha! Papakasawa muna kami ika ko nga. =) Kung kami man talaga, kami yan sa huli, kahit never naging boto papa ko sa kanya. =) Haha!


Ayan, share ko lang. Thanks to Mr. Roadfill again, siya nakaisip ng topic na yan ee. Thank you thank you! See you soon! =)



-- Choceth ♥

No comments:

Post a Comment