Sunday, July 19, 2009

GM

** Bigla lang pumasok sa isip ko habang nakahigang busog kanina. Hahaha! Hope you guys will like it. NAKAKARELATE. >:)

Saan ba nagsimula ang GM (group message) na mapaTEXT, YM at kung saan-saan pa makikita?
Kailan ba yan nauso?
Sino nagpauso?
Bakit nauso?

Hindi ko din alam. HAHAHAHA!
Pero magbibigay lang ako ng mga halimbawa.
Maikling blog lang 'to, hindi nobela. :p
Magrereview pa kasi ako sa ACCOUNTING at HRDE.
AMP.

*****

BAKIT BA KASI NAUSO ANG GM?
Kasi:

1. Kapag gusto mo magpapansin sa taong gusto mo or gusto mo siya makatext pero hindi nagtetext kahit manlang TULDOK, pwede mo siyang daanan ng quote/s or simpleng GM pero lagyan mo ng GM sa dulo para hindi obvious, right? :D

2. Pwede kang magparinig. In a good way or bad way. >:)

3. Pwede kang magparating ng mga importanteng anunsiyo o importanteng mga mensahe na pangmaramihan na menos effort. Like me, as class president and VP ng isang organization sa school, madalas ako magGM.

4. Kapag wala ka makatext, magGM ka lang ng goodmorning/goodafternoon/goodevening, may mga magrereply na, instant textmate kumbaga. :p

5. At HIGIT sa lahat, kapag madami kang bf/gf, menos effort din sa pagtetext kasi pwede namang GM lang ang I LOVE YOU/I MISS YOU, isang paalamanan at isang EKSPLANASYON nalang bakit HINDI nakakapagtext. Tip lang din, dapat isa lang din tawagan niyo ng mga shutashuta niyo para hindi mahuhuli. WAHAHAHA! -- Hindi ko po gawain, base lang yan sa isang kakilala ko. Hahahaha! :)

Kaya ako? Hindi talaga ako nagrereply sa mga GM, ramdam ko kasi kapag GM ang text ee. Haha! Nahihiya lang sigurong aminin nung MGA 'yon kapag nagreply ako sa text nila na "GM?" SUS! Ako pa? Kaya kayo, tip lang din kapag walang PANGALAN yung text, I mean walang pangalan niyo medyo expect-in niyo na GM yun para hindi masyadong masakit sa damdamin, haha! At wag reply ng reply AGAD. :p

"Bato-bato sa langit, ang TAMAAN 'wag magagalit."
^__^v *peace!

-- Ceth ♥

No comments:

Post a Comment