Facebook Badge
Sunday, July 19, 2009
GM
Saan ba nagsimula ang GM (group message) na mapaTEXT, YM at kung saan-saan pa makikita?
Kailan ba yan nauso?
Sino nagpauso?
Bakit nauso?
Hindi ko din alam. HAHAHAHA!
Pero magbibigay lang ako ng mga halimbawa.
Maikling blog lang 'to, hindi nobela. :p
Magrereview pa kasi ako sa ACCOUNTING at HRDE.
AMP.
*****
BAKIT BA KASI NAUSO ANG GM?
Kasi:
1. Kapag gusto mo magpapansin sa taong gusto mo or gusto mo siya makatext pero hindi nagtetext kahit manlang TULDOK, pwede mo siyang daanan ng quote/s or simpleng GM pero lagyan mo ng GM sa dulo para hindi obvious, right? :D
2. Pwede kang magparinig. In a good way or bad way. >:)
3. Pwede kang magparating ng mga importanteng anunsiyo o importanteng mga mensahe na pangmaramihan na menos effort. Like me, as class president and VP ng isang organization sa school, madalas ako magGM.
4. Kapag wala ka makatext, magGM ka lang ng goodmorning/goodafternoon/goodevening, may mga magrereply na, instant textmate kumbaga. :p
5. At HIGIT sa lahat, kapag madami kang bf/gf, menos effort din sa pagtetext kasi pwede namang GM lang ang I LOVE YOU/I MISS YOU, isang paalamanan at isang EKSPLANASYON nalang bakit HINDI nakakapagtext. Tip lang din, dapat isa lang din tawagan niyo ng mga shutashuta niyo para hindi mahuhuli. WAHAHAHA! -- Hindi ko po gawain, base lang yan sa isang kakilala ko. Hahahaha! :)
Kaya ako? Hindi talaga ako nagrereply sa mga GM, ramdam ko kasi kapag GM ang text ee. Haha! Nahihiya lang sigurong aminin nung MGA 'yon kapag nagreply ako sa text nila na "GM?" SUS! Ako pa? Kaya kayo, tip lang din kapag walang PANGALAN yung text, I mean walang pangalan niyo medyo expect-in niyo na GM yun para hindi masyadong masakit sa damdamin, haha! At wag reply ng reply AGAD. :p
"Bato-bato sa langit, ang TAMAAN 'wag magagalit."
^__^v *peace!
-- Ceth ♥
Sunday, June 21, 2009
It’s a girl thing!
Inspired by Roadfill
Dahil walang magawa, gagawa nalang ako ng blog. ^__^
Ano nga ba ang mga bagay-bagay na hindi alam ng boys sa mga girls?
Lemme cite some examples or mga naoobserbahan kong hindi alam ng boys samin na kailangan nilang malaman. OR alam naman nila talaga, nagtatanga-tangahan lang na kunwari hindi alam. Hihihi! :D
Kahit sabihin naming “Ok lang.” at the back of our mind it means “No.”
Halimbawa, nagpapaalam si boy kay girl na mag-iinuman or may pupuntahan na alam naming may mga chikabeybs, sasabihin namin “OK LANG” kahit labag sa loob namin. Siyempre, ayaw naman namin kayong masakal or pagbawalan sa mga bagay na nagagawa niyo na naman dati pa. Siguro, for me isama niyo nalang kami para walang away o selosan na maganap. HAHAHA! Am I right girls? Kasi kung hindi manlang kayo nag-offer na sumama kami, kung anu-ano na maiisip namin nun for sure. ^__^
Para kaming mga PULIS, naghahanap parin ng ebidensya kahit na alam naming may “something” na nga talaga.
That’s right! Lalo na kapag mahal na mahal namin yung guy, kahit na bestfriend pa namin nagsabi na “boyfriend mo nakita ko sa mall, may ka-holding hands na babae!” or kahit nanay o tatay pa namin magsabi niyan, hindi kami maniniwala hangga’t hindi kami ang nakakita o nakasaksi. Minsan nga, kahit kami na mismo nakakita ayaw pa din namin paniwalain sarili namin na niloloko na kami ng damuhong mga lalakeng yan! *Ooops! Tamaan ‘wag magalit!” Haha!
Delusion of INFIDELITY.
Isang sakit, na meron ako. Hahahaha!
Delusional jealousy (or delusion of infidelity): A person with this delusion falsely believes that his or her spouse or lover is having an affair. This delusion stems from pathological jealousy and the person often gathers "evidence" and confronts the spouse about the nonexistent affair. – WIKIPEDIA.
Siguro, may mga guys na nagtataka bakit kaya andami nang XYZ ni girl. Hindi dahil masyadong flirt or what sila. Hindi naman sa dinedepensahan ko sila guys huh? Ayan o WIKIPEDIA na nga naglathala ee. Haha! May mga girls lang kasi talaga na “walang tiwala” o “hirap magtiwala” sa boys. Inaamin ko din naman na nasa amin ang problema sa ganyang bagay. Sabi nga ng professor namin sa BESC last week (sakanya ko nalaman yang delusion delusion na yan) na may mga girls daw talaga na ganun, hindi TUMATAGAL sa isang relasyon dahil nagiging paranoid or parang PLAYING safe, takot masaktan, takot maloko o matapakan ang pride. Outcome? Makikipagbreak. Wala pang 1 month break na. Saka hindi lang naman girls ang meron nito, boys din kaya! xD Karamihan nga lang e girls.
May mga girls na ayaw pinapakielaman the way sila manamit or kumilos, may mga girls din naman na gustong-gusto na pati yata underwear ee pakikielaman ng boyfriend nila.
Parang mag-asawa na in short. Mga kaibigan ko ganyan, gusto nila pinapakielaman sila kahit sa ayos lang ng buhok, caring daw ang boyfriend or may pake kapag ganun. Ako? Ewan ko ba, ayaw ko kasi ng ganun. Haha! Weird. Lagi kong pansopla kapag may boyfriend ako tapos pupunahin soot ko or buhok: “Love me for what I am by Carpenters” hahaha! Madalas kasi manang ako magsuot, pants + blouse or t-shirt lang. Kahit iba kong friends sasabihin lalagyan ko pa ng leggings yung dress na soot ko. xD
Pinakagusto naming gift? Couples’ ring.
Of course, as a girl parang panget naman yata tignan kung kami pa bibili ng sing-sing. May mga friends ako na gusto talaga na bigyan sila ng ring ng boyfriend nila kaso siyempre ayaw naman nila magdemand or mag-open sa boy ng ganun, wala ng SWEETNESS or KILIG MOMENT kung ganon di ba. I agree din naman, ako kasi three times na nabigyan kaya wala na atang kilig moment sakin yun, wahahahaha! Oo na ako na mayabang! =)) Pero seriously, kahit ako super kilig kaya kapag binigyan ako ng taong mahal na mahal ko ng sing-sing, para kasing it’s just a proof that “he’s mine, only mine” hahaha! CHEESY! AMP! Lagi nga kong napagkakamalang may bf (kahit wala naman) dahil lagi ‘kong soot yung ring na bigay sakin ng suitor ko 4 years ago, yeah 14 palang ako may manliligaw na ko nuh, hahaha! 3 years din yata yun nanligaw sakin, pero xempre bata pa ko nun kaya wala lang sakin, ngayon-ngayon ko lang narealize lahat-lahat. We’re still friends up to now, at parang kami kapag nagkakasama/nagkikita. He’s my bhebhe, nag-iisa lang. Kahit may gf na siya ngayon, I just want him to be happy. Ayoko naman pasakitin ulo niya kapag ako gf niya. Hahaha! Papakasawa muna kami ika ko nga. =) Kung kami man talaga, kami yan sa huli, kahit never naging boto papa ko sa kanya. =) Haha!
Ayan, share ko lang. Thanks to Mr. Roadfill again, siya nakaisip ng topic na yan ee. Thank you thank you! See you soon! =)
-- Choceth ♥
Friday, May 8, 2009
SABIT
Sabit sa raket?
Sabit sa isa ng relasyon.
Marami tayong pwedeng "sabitan."
Nakakatawang isipin na gumagawa ako ng blog para sa mga kabet, sabit.
"Bato bato sa langit, tamaan, sapul!"
Siguro, mas magandang sa huli ko 'to ilagay?
^__^
Ano naman kayang kinalaman ko dito at bakit ako nagtatype ngayon para makagawa ng isang blog na tumutukoy sa mga taong SABIT.
Marahil, pamilyar naman tayo ngayon sa mga pamilyang "sira" o "broken family" at isang malaking dahilan ang KABET para masira ang isang pamilya.
Bakit kaya ganun? Nasisikmura nilang mahalin ang taong pagmamamay-ari na ng iba? Hindi ba nila naisip na kapag sakanila ginawa yun, masakit?
Pero sa totoo lang, hindi 'yang topic na yan ang gusto ko talakayin. :)
Kayong mga babaeng tulad ko, narasanan niyo na bang MADALAS ma-involve sa mga relasyon ng mga may karelasyon?
Ako? MADALAS.
Hindi ko nga maisip bakit ganun? Kaka-break ko lang sa boyfriend ko pero napakadaming temptation ang patuloy na dumadating sa'kin. Partida pa, nasa bahay lang ako. Hahahaha! Hay nako Graceth "PENELOPE" Villamar De La Cruz.
God, anu po bang gusto ninyong ipahiwatig sa'kin?
Sa isang text ng kaibigan ko:
"Magpasalamat ka nga at madaming nakaka-appreciate sa'yo kahit ba sabihin nating maaari kang makagulo sa relasyon nila. Pero isipin mo maigi, pwedeng isa kang instrumento ni God para sa mga taong HINDI MAKUNTENTO sa kung anong meron sila at kailangan mong ipamuka sa kanila na MALI SILA. At kung hindi ka pa nakakatagpo ng taong TUNAY mong mamahalin at tunay kang mamahalin, hello? BATA KA PA. Madami pang darating na mas BETTER diyan sa TAONG hindi mo makalimot-limutan. Payong kaibigan lang, hindi sermon. :)"
Nakakatawa no? Tumpak na tumpak sa tumpak. Hahahaha! I love you for saying that my friend. Thank you.
Sana lang pumasok sa utak ko 'yan, dahil MADAMI nang sumubok para pangaralan ako, pero WALA. Walang epekto. ^__^
Matigas daw ulo ko.
NGAYON, nasa isang mahirap at komplikadong palaisipan ako.
"I can't leave him so soon but I can't even stay with him any longer."
Anu bang gagawin ko?
Gusto niya daw ako pero may gf siya, at kaibigan pa siya ng isa kong EX.
Sabi niya, "kaya mo ba akong ipaglaban?" Madami daw kasing hindi magiging pabor sa'min kapag nagkataon.
Natawa ako at napaisip: "paano kita ipaglalaban, kung hanggang ngayon hindi mo parin sinusuko ang kailangan mo nang isuko. paano magsisimula ng bago, kung hanggang ngayon wala ka pang natatapos at nagagawa sa mga dapat mong gawin?"
Wala ka pang napapatunayan.
Baka nga kapareho KA lang din niya ee.
Pwede bang lumayo ka nalang kung isa ka lang din sa mga magpapadagdag ng EX ko?
HAHAHAHAHAHA!
SAKIT MO SA BANGS!
^__^
Ikaw, oo ikaw! Hindi na ba niya 'ko pwedeng mahalin porke magkaibigan kayo at EX mo ko?
EX = PAST di ba?
Madami akong nalalaman at nababalitaan na ALAM kong totoo, may pruweba, pero wala kang narinig mula sa'kin kahit EX kita, kasi nga EX kita hindi na kita pwedeng pakielaman. Ikaw nga, wala kang pake sa mararamdaman ko kahit alam mong masasaktan ako sa mga PINAGGAGAGAWA mo. Tatahimik-tahimik lang ako pero kilala mo ko, MADAMI AKONG ALAM sayo.
Sana lang, pumili ka naman ng babaeng hindi "isang kalabit" lang.
GROW UP!
Hindi ka na bata.
- The End -
^__^
Ooooops! Ang magreact, alam na. :)
Tuesday, April 28, 2009
RAM
Home and alone is where ram feel most comfortable. There they can express themselves artistically, whether it’s by painting, cooking or participating in whatever artistic endeavors they enjoy. Ram prefer the couch because there they can relax and explore their minds. They don’t need elaborate furnishings; only items reflecting their desire for art.
When traveling or seeking entertainment, Ram prefer groups or venues that hold many people. Ram spend money on fashions that give them a first class appearance. Although ram enjoy spending money on the finer things in life, they are not snobbish.
Ram tend to be private, so it can take effort to get to know one. The ram is the one who will decide when and with whom it will share its personal life. As a result, most ram have few “close” friends, yet they’ll work hard for those they love.
Ram at work prefer being part of a flock. Power and status aren’t important. Ram will only assume leadership roles when asked directly. They’ll never volunteer. Good career choices for Ram include: florist, interior designer, daycare teacher, pediatrician, actor, editor, hair stylist, illustrator, musician, and art history teacher.
Ram are compatible with Rabbits and Pigs and incompatible with the Rat and Ox.
** ^__^ **
Sunday, April 26, 2009
A Place In This World
Songwriters: Orrall, Robert Ellis; Angelo, Petraglia; Swift, Taylor Alison
I don't know what I want
So don't ask me 'cause I'm still trying to figure it out
Don't know what's down this road
I'm just walking, trying to see through the rain coming down
Even though I'm not the only one who feels the way I do
I'm alone, on my own and I'm starting off
I'll be strong, I'll be wrong, oh, but life goes on
Oh, I'm just a girl trying to find a place in this world
Got the radio on, my old blue jeans
And I'm wearing my heart on my sleeve
Feeling lucky today, got the sunshine
Can you tell me what more do I need
And tomorrow's just a mystery, oh, yeah, but that's okay
I'm alone, on my own and I'm starting off
I'll be strong, I'll be wrong, oh, but life goes on
Oh, I'm just a girl trying to find a place in this world
Maybe I'm just a girl on a mission but I'm ready to fly
I'm alone, on my own and I'm starting off
Oh, I'll be strong, I'll be wrong, oh, but life goes on
Oh, I'm alone, on my own and I'm starting off
Oh, I'm just a girl trying to find a place in this world
Oh, I'm just a girl
Oh, I'm just a girl
Oh, I'm just a girl
** I SUPER LOVE THIS SONG! :)
Trip trip lang!
Wala lang, TRIP TRIP LANG.
It was very nice and overwhelming to be a friend of this certain person. He's cute, friendly, approachable, down-to-earth and very fun-to-be-with. Some may say "ano bang nagustuhan mo diyan?" sa totoo lang, hindi ko din alam. I just felt it.
At first, when I saw him personally, it was like "I LOVE YOU NA!" hahahaha! Funny but true. He became my addiction. Parang, hindi pwedeng hindi ko siya makausap ng isang beses sa isang araw kasi malulungkot ako. Sakanya nakatuon lahat ng atensyon 'ko *my friends know all about this effin' topic I'm talking about, this is a true story.*
I love him. That's all I know that time, it was months of getting in touch with him kahit minsan busy siya mangungulit pa din ako. ^__^
NAGING KAMI.
It was a dream come true? LOL.
Basta, super masaya ako nung araw na 'yon. SUPER. To the highest level. Ang AKALA ko, magiging ok ang lahat kahit na malayo siya at may trabaho siyang pinaprioritize. I became so UNDERSTANDING na kahit hindi siya magtext ok lang sakin kasi super tiwala ako sakanya. Yun pala mali ako dun.
*sigh*
Until now? Hindi ko pa din alam kung maniniwala ba ko sakanya or what, or sa isang taong 'YON ako maniniwala. Lemme tell you this part of this so-called "LOVE STORY" para sa'kin ito yung climax. Ako yung bida dito huh? Hahahaha! :)
My phone rings, it was 7 in the morning.
Natutulog pa 'ko.
me: hello? o bakit ka tumawag?
him: tumawag ako... para sabihin sa'yo na... itigil na natin 'to...
me: *silence*
him: bata ka pa eh... *hindi ko na matandaan yung mga sumunod pang sinabi niya kasi it was like, nabagsakan ako ng kung anu mang mabigat na bagay na hindi ako makapagsalita.*
Binaba niya na.
'Yun ang THE BEST na GOODMORNING di ba? pambungad. hahahaha!
wala man lang pakemekeme, parang "hello! I'm gonna kill you!" tapos ang sagot ko "okey! I'm ready!"
kung kayo kaya yung nasa kalagayan ko that time, anung mararamdaman niyo? SARAP!
Hindi pa diyan nagtatapos ang lahat, nagtext pa 'ko sakanya ng "can we still be friends?" -- hindi yan yung exact na text ko sakanya, nalimutan ko na, hindi na dapat alalahanin pa. Tapos, walang reply. Iniwan ko isa 'kong cp *smart* sa kwarto, pumunta ako sa kabilang bahay, naupo, nagsoundtrip. Mga 1 hour, ganun lang ako. Naiiyak ako, gusto ko umiyak pero parang after shock pa din ako. Ayaw lumabas. After magsawa sa sounds, nagPC para medyo makalimot, naglaro-laro ng online games, nagcheck ng FS, multiply, facebook, etc.
Nag-YM ako.
NagPM siya. Nagsosorry. Hindi daw niya sinasadya yun.
So ako, parang WOW HA! HINDI SINASADYA?
*hindi ko alam na nagreply na pala siya sa text ko, iniwan ko nga kasi 'yung cp ko nun sa kwarto ko sa kabilang bahay."
Nag-usap kami. Medyo NAGING OKEY. O di ba, haha! Naging ok pa sa lagay na 'yun. ^__^
OO NA GUYS, TANGA NA KUNG TANGA, hahahaha! :)
Bakit 'ko shineshare 'to ngayon? Kasi napanaginipan ko siya, I dunno why. Actually, kagigising ko lang, wala pang toothbrush-toothbrush, hilamos, pagmulat ng mata 'ko, nag-automatic direcho sa PC, nagtype.
Siguro sa makakabasa nito, tatanungin niyo 'ko kung galit ako sakanya?
HINDI.
Parang hindi ko kaya magalit saknya ee, oo nung una GALIT na GALIT.
Ngayon? Narealize ko lang na KARMA ko siya, pagkatapos ng mga nagawa 'ko nun dati sa boys. Siguro siya nga 'yung karma ko. KARMA, parang plurk. WAHAHAHA! :D
Ay! May nalimutan pa pala akong part, nung nagtext sa'kin X girlfriend niya for how many years, nalimutan ko na din. ^__^
Nung nagtext yung girl na yun, ewan ko ba yung kamay ko super nanlamig. Pinahawak ko pa nga sa stepmom ko ee. Sabi "anu bang nangyayari sa'yo?" Tumawa lang ako.
Basta summarization ng text namin, tigilan ko na daw X niya, sabi ko naman "titigilan ko lang siya kapag KAYO NA ULIT, kayo na ba?" Hindi naman niya sinagot nung nagtanong ako ng ganun.
January 3, 2009.
I gave up.
Tinest ko kasi siya, hindi ako nagtext or paramdam sakanya, siguro mag 3 days yun. Madalas kasi ako una nagtetext sakanya ee. Wala din naman paramdam sakanya, hindi ko na alam kung kami pa. Nagtext siya, nabasa niya shoutout ko sa FS. Nalimutan ko nadin kung ano yun. Ayun, nagkausap pa kami konti. Sabi ko nalang masaya na 'ko sa pagiging single ko.
Sabi niya "SORRY" sa mga nangyari.
Pinatawad ko siya.
Tulungan ko daw siya makalimutan X niya. Eh di mahal niya pa nga, sabi niya dati hindi na.
I understand. Siguro ganun talaga siya magmahal ee. Sorry nalang sakin.
Naging panakip lang ako panandalian. ^__^
Sorry sabi niya? Is that enough? Sana naman kahit papano pinaramdam niyang BABAWI siya sa mga nagawa niya, sabi niya babawi siya. Pero bawi niya 3 days na hindi pagpaparamdam.
Bitter ba ko guys? Hahahaha!
Hindi aa, minahal ko lang talaga siya. ^__^
Message 'ko sakanya?
STAY HAPPY!
I know you're happy
with your chocolate hershey. -- WOW RHYME! hahahaha! :)
Serious na.
Alam ko naman masaya ka, busy ka.
Alagaan mo lang sarili mo, kumain sa oras hindi yung kung ano-ano inuuna sa umaga.
Concern citizen lang. ^__^
Ingat ka palagi. *wink!
- THE END -
"Nauntog na ko, masaya na 'ko sa lovelife ko ngayon at ibang-iba siya sa iba."
Thursday, April 23, 2009
I’m a new soul
^__^
SO SWEET and TRUE.
Album: Yael Naim
Genre: Pop-Rock,Indie Rock
Recorded: 2007
Yael Naim was born in Paris, France in 1978, but she grew up in Israel. New Soul belongs to Yael Naim Album released the last January in United States. Until now, this song has sold around 700,000 copies. The track listing contains songs like: “Toxic”, “Paris” and “Far Far”. The popularity from New Soul was given after having appeared in a commercial from MacBook Air laptop. At USA Singles Top 40, she is the new number 7. This song is recognized like the song about “la-la-la-la-la”, because she repeats that part many, many times.
I’m a new soul I came to this strange world
Hoping I could learn a bit about how to give and take.
But since I came here
Felt the joy and the fear
Finding myself making every possible mistake
La-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la
La-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la
I’m a young soul in this very strange world
Hoping I could learn a bit about what is true and fake.
But why all this hate?
Try to communicate.
Finding trust and love is not always easy to make.
La-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la
La-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la
Uhhhhh
This is a happy end cause’ you don’t understand
Everything you have done
why’s everything so wrong
This is a happy end come and give me your hand
I’ll take your far away.
I’m a new soul I came to this strange world
Hoping I could learn a bit about how to give and take
But since I came here fellt the joy
And the fear finding
Myself making every possible mistake
La-la-la-la-la-la-la-la…
(new soul)
La-la-la-la-la-la-la-la-la-la…
(possible mistake)
My favorite stanza:
I’m a young soul in this very strange world
Hoping I could learn a bit about what is true and fake.
But why all this hate?
Try to communicate.
Finding trust and love is not always easy to make.
http://www.yoursonglyrics.com/new-soul-yael-naim/
Thursday, April 16, 2009
Anghel sa lupa?
Ang iyong mukha
Ay parang anghel sa lupa
Na nabibigay ligaya
Sa iyong mga tagahanga
Sino ba naman ang hindi mahumaling
Sa iyong kagandahang nagniningning
Ibig kong iparating
Ang paghanga sa iyo'y hindi drawing
Hayaan mong handugan ka
Ng isang maikling tula
Hindi ako makata
Pero para sayo'y ako'y nakagawa
Choceth ikaw ay pinagpala
Kaya dapat manlibre ka
Para lahat ay sumaya
At ng makilala ka pa
=====================================
Funny but sweet. LOL!
http://forums.moymoypalaboyproductions.com/gfx-gallery/1343-certified-cethian.html
Random survey from Trina's MULTIPLY account
1. Breath.
2. Text.
3. Type.
4. Eat.
5. Drink.
6. Listen to random songs.
7. Think.
8. Move.
9. Answered a telephone call.
10. Bully someone. *HAHA!
Nine Bands You Like
1. Parokya ni Edgar.
2. Paramore.
3. Mojofly.
4. Moonstar88.
5. E-heads.
6. Side A.
7. Spongecola.
8. Zelle.
9. Moymoypalaboy Band.
Eight Favorite Names
1. Ceth
2. Kiel
3. Kim
4. Felicity
5. Tanya/Anya
6. Heart
7. Mari
8. Hayley
Seven TV Shows You Watch
1. Bubble Gang.
2. SOP.
3. MYX.
4. Lalola.
5. Dapat Ka Bang Mahalin? *KORNY! Haha!
6. Slamdunk.
7. Powerpuff Girls.
Six Websites You Visit Often
1. Friendster.
2. Moymoy Palaboy's Official Forum.
3. Multiply.
4. Facebook.
5. Youtube.
6. Zedge.
Five Favorite Foods/Drinks
1. Chocolates.
2. Cakes.
3. Iced Tea.
4. Sprite.
5. Water.
Four Movies You Watched Last
1. Slumdog Millionaire.
2. Sundo.
3. Status: Single.
4. My Sassy Girl.
Three Reasons To Live
1. God.
2. Friends.
3. Family.
Two Close Friends
1. Kath
2. Madel
One Book You're Reading
1. Now? None. :) *It's vacation, duh?
Wednesday, April 15, 2009
Summer fun: Puerto Galera!
NOTE: This is my blog for last week's event.
==========================================
BITIN NGA LANG! Huhu.
We went to PUERTO GALERA with my SIFE-mates and other professors of DLSU-D.
23 siguro kami lahat-lahat.
April 5, 2009
I’ve went to Kath’s house to help for tomorrow’s fiesta but UNFORTUNATELY, humiga lang ako sa kwarto niya at nagtext. Hahahaha!
After that, umalis kami sa house nila, kumain sa Chowking and she bought something na inutos sakanya ng tito at tita niya. Tapos, punta ulit sakanila.
Pumunta pa kami ng SM around 8:30 PM may bibilin daw siya, nasusura na ko kasi ambigat ng mga dala niya tas tinulungan ko sa isang bag. Nagtetext na si biep pero hindi ko mareplyan, madami akong dala and malolowbatt na rin ako. Nangangamoy LQ.
Pag-uwi ko, kasama ko Kath kasi sa bahay namin siya matutulog, dadaanan kami ng prof. namin para sabay-sabay na papunta sa school. Nagtext na si biep, hindi ko agad nareplyan kasi nagfinalize pa ko ng things ko. Ayun, LQ nga. Tsk tsk. It’s his fault, hindi makaintindi na lowbatt nga ko at busy that day.
Pinabayaan ko kasi tinopak na ko, di ko na nireplyan. After 1 hour, nagtext yung boy SIFE-mate namin ni Kath wala daw siya matulugan, basta long story, naawa naman ako sabi ko sa haws nalang siya matulog. Akala ko pa nung una trip lang, sabi kasi ni Kath parang nantitrip lang. So, hindi ko na nireplyan, after 30 minutes nagtext na nasa gate ng subdivision namin, nagpapasundo. Sinundo namin tapos ayun, pagdating sa bahay tulog na katulong namin kaya si Kath pinagsaing ko para pakainin si Bonjing. Hahahaha! Pagkatapos kumain, inasar namin ni Justin. Pinagkaisahan namin hanggang sa nakaramdam na ko ng antok pati si Kath. Natulog na kami.
4AM of April 6, 2009.
Call time is 4AM. Dumating kami sa school ng mga 4:45AM na, we’re so late. Kami nalang hinihintay. PHEW!
Nasa bus na kami, aalis na. Super masakit ulo ko at wala sa mood kasi nga war kami ni bf tapos 1 hour lang tulog ko. Maya-maya nagtext na si biep, nakikipagbati. Haha! Hindi kinaya ang toyo ko.
After maglabing-labing, pinatulog niya muna ko. Nakatulog ako 30 minutes lang yata.
Nagsoundtrip nalang ako, tulog si Kath ee wala ako makausap. Wala din katext.
9-10AM siguro.
BATANGAS NA!
Malapit na kami, YEY!
Sasakay na kami sa FAST CRAFT/ Roro?
Na-excite ako pero second time ko na sumakay ng ganun, hindi ko lang maalala yung una. Hihi.
Of course, hindi mawawala ang picture-picture.
After nun, nakatulog na ko. Malamang may mga stolen shots ako from ANA and other friendships. Gumaganti. Hahahaha!
Natanaw ko na Puerto, malapit na kami talagaaaaaaaaaaaa!
Bumaba na kami then pumunta na sa bahay na ni-rent nila Mam Corpuz. (SIFE, Advicer)
Infairness, MALAYO. Naiirita na ko sa init saka gutom. Haha!
Pagdating namin, pinuntahan ko agad kwarto, binuksan aircon. After 5 minutes siguro, kakain na daw kami. Dinala ko food ko sa kwarto.
Pahinga mode.
4PM pa daw kami pwede lumabas, hmp!
Pero siyempre di kami papayag ng friendships ko, mga 3PM siguro nagpaalam kami lumabas, para sa BANANA BOAT! Weeeeeeeeeeeeeeeeee! =)
Pinayagan kami.
Una, natatakot pa kami kasi ihuhulog kami, mga 2-3 drops. Pero excited kami xempre. =) Unang drop, natikman ko alat ng dagat. YAK! Angsakit sa mata saka lalamunun. Haha! Second drop, wala na sisiw na sakin bumalik sa banana boat. Saka masarap sa dagat. =)
Last drop, inenjoy na namin dagat hihihi. Picture-picture ever na si manong samin, basta SUMMARIZATION? FUN FUN FUN!
Mga 430 na kami natapos, kala namin late na kami sa team building, 5PM pa pala magsisimula. So, ayun. Team building naman.
2 TEAMS.
Team ko nanalo sa first activity.
Parusa nila? MAGLINIS NG CR.
WAHAHAHA!
Second activity namin, walang kalaban.
Lahat kami dapat makatawid sa human TULAY.
But, WE DID IT!
Masaya, super. Pinapanood lang kami ng mga teachers and profs namin. Goodwork daw kami.
After nun, LIWALIW NA!
Takbo kami lahat sa dagaaaaaaaaaaaaaaat!
YEHEY!
Hanggang 9PM siguro nandun kami, swimswim then picture-picture.
Tapos uuwi na para kumain at magpahinga.
Pero sabi ko sa President ng SIFE as his VICE, wahahaha! Inuman kami. Oo naman siya agad. Ayun, pagtapos maligo nagprepare na ang boys ng MATADOR. Longneck. Dalawa. Mga sampu kaming iinom. =)
Unang tinamaan? Xempre ako. Hahahaha!
After ng first longneck, nag-spin the bottle kami.
Tanong sakin, JOM o KEM?
Sabi ko “JOM, malamang. Bf ee.”
Hahahaha!
Yung isang question yata, kung kinalimutan ko na daw ba si KEM, sabi ko “Oo.”
Hihi.
1/4 palang yata ng 2nd longneck, nahiga na ko pero naririnig ko parin sila. Ramdam ko pinipcituran ako ni DHEN, pero hindi na ko makaimik. Hahahaha!
After inuman, tulugan na.
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.
April 7, 2009
7AM
Pagkagising namin, masasakit ang ulo. Ako last na nagising.
Nag-maiba taya kami kung sino mauuna maligo samin nila Kath, Yanie, Ana, Britt at ako. Wala si Trina. Huhu. Nasa CamSur kasi. MISS KA NA NAMIN TRINA!
So, malas ako sa mga pik at maiba-maiba na yan kaya ako nauna maligo. Hayyyy!
Ako HULI nagising, ako UNANG naligo. Watda!
Inagahan namin maligo kasi magshopping pa kami, wala nang time ee.
Alis na kami that day.
So, bibilan ko ng pasalubong si PAPA, two bros ko and or course my Dhie.
Nakabili na ‘ko ng para kay papa, Noni and Jom. Kay Angel nalang.
PAPA = 1 T-shirt, 1 hindi ko alam tawag na shirt. Hahaha! Basta yung manipis siya, panswimming.
NONI = 1 T-shirt.
ANGEL = Wallet na cute.
JOM = 1 T-shirt and keychain.
CETH = 2 T-shirt, 1 bracelet, 1 wallet.
Ceth, Trina, Yanie, Britt, Kath, Ana = keychain na pare-pareho kaming anim.
Justin = Keychain na tsinelas. Remembrance lang. ^__^
Nagpa-hennah pa ko after ko mabili mga bibilin ko. Sabi ko sa mag-hehennah sakin, pangalan na "JOCETH" tapos may heart. Kaso nagbago isip ko. Hahaha! “CETH” nalang baka kasi sabihin masyado ko mahal si ano. Wahahahahaha! BAD!
100 pesos lang pa-hennah. *minimum*
Share ko lang.
Tapos stroll stroll muna kami nila Justin, Kath, Ana, Britt, Yanie bago umuwi. Namulot pa ko ng bato na white. Remembrance lang.
Pagkauwi namin, kain lang tapos pahinga. Picture.
Hayyyy! Uwian na, BITIN!
So, lakad na kamin. Ang init ng buhangin, nakakairita.
Buti nalang may manong na nagsabi sakin “ba-bye Kim Chiu!”
WAHAHAHAHA! Tanggal pagod!
Ayun, sa roro na kami ulit.
Super init! Nasa kalagitnaan na ata kami ng byahe, lumakas alon.
Nakakatakot. Tapos nag-stop pa yung roro, inayos nung mga tao dun.
30 minutes siguro tumagal, may mga sumusuka na. Ako onti nalang susuka na din, nakakahilo ee.
After that incident, ok na, back to normal tapos natulog nalang ako.
Ginising na ko nila Kath at Britt kasi malapit na kami. Sakay na sa bus.
Nasa bus na.
Nanood kami AUGUST RUSH movie.
THE BEST! 2nd peborit movie ko na yun next to My Sassy Girl.
After nung movie, I’ve decided na dumaan muna kila Kath. Sumama si Ana sa’kin.
Ayoko pa umuwi ee. Hihi. Dumaan pa ko Jobee, bumili pasalubong kila papa. Mga 8PM na yata ako nakadating sa bahay. Pagdating sa bahay, PC MODE. Hahahaha!
That’s it. Masaya ang FIRST Puerto experience ko.
“The music is all around us. All you have to do is LISTEN.” – August Rush
** Share ko lang din, pupunta sila Roadfill and his tropa sa Puerto bukas. Kasama sila Mocha.

